Hay… 10:09 na ng gabi at hanggang ngayon hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, 24/3 na akong walang tulog na maayos lagi na lang akong nakakatulog ng bandang 3:00 am kung hindi ako hinayaang matulog ng maaga.
Well, sa tingin ko nawawala na ako sa sarili ko, hindi ko na minsan alam ang ginagawa ko. Minsan nautusan ako na maghain na para sa aming hapunan biruin mo pumunta ako sa c.r. at ayon, anu pa ba ang kasunod; naghanap ako ng pinggan sa comfort room. Ang laki kung tanga.
Sa tingin ko kaya ako nagkakaganito ay dahil sa maraming dahilan, isa-isahin ko para sa inyo.
1. walang pasok
2. walang magawa
3. nasobrohan sa pagiging tahimik
4. nababaliw?
5. adik sa pag co-computer
at ang pinakahuli na sa tingin ko ay ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ay,
6. in-love kay _? (god, sana walang magtanong)
………………………………………………………………………………………..
Gusto ko ng pumasok para masubukan ang bago kung natutunan na hindi pa naman napag-aaralan. Ang hirap na kasi ng mga bago naming topic ngayon, akala ko kasi sa umpisa lang yung ‘sisiw’ hindi pala naging ‘manok’ na siya. hay… sana huwag umabot na maging ‘tandang na manok’ pa siya, siguradong mababaliw ako lalo.
Teka..teka.. huwag ka sanang matakot sa akin, medyo matino pa ako at nakaka-recover na.
Mag-aral, mag-aral at mag-aral habang may panahon pa at kaya ka pang pag-aralin ng iyong mga magulang. Mahirap mabuhay ng walang pinag-aralan.
Ano kayang susunod na mangyayari sa akin?
hay aron, may ganon ka palang pakiramdam…hehe
plato sa c.r…hmmm, bago yun a.
keepsafe!
c”,)